'WAG TAYONG MADISMAYA

Coffee Time With God Day 3 Devotion




                                Worship Central Mission Team in Tubao La Union

Marcos 6:1-6

Umalis doon si Jesus at umuwi siya sa sariling bayan kasama ang kanyang mga alagad. 2 Pagdating ng Araw ng Pamamahinga, si Jesus ay nagturo sa sinagoga. Maraming tao ang nakarinig sa kanya at sa kanilang pagkamangha'y nagtanungan sila, “Saan niya natutunan ang lahat ng iyan? Anong karunungan itong ipinagkaloob sa kanya? Paano siya nakakagawa ng mga himala? 3 Hindi ba ito ang karpinterong anak ni Maria, at kapatid nina Santiago, Jose, Judas, at Simon? Tagarito rin ang kanyang mga kapatid na babae, hindi ba?” Kaya hindi sila naniwala sa kanya.

4 Dahil dito, sinabi ni Jesus sa kanila, “Ang isang propeta'y iginagalang ng lahat, maliban ng kanyang mga kababayan, mga kamag-anak, at ng kanyang pamilya.” 5 Hindi siya nakagawa ng himala roon, maliban sa ilang maysakit na pinatungan niya ng kanyang kamay at pinagaling. 6 Namangha siya dahil ayaw nilang maniwala sa kanya.


Nakaranas ka na rin ba na hindi ka pinapaniwalaan ng iyong mga kababayan, kamag-anak o ang iyong pamilya?

Nakaranas ka na rin ba na ma-question kung saan ka nag-aral o kanino mo natutunan ang mga bagay-bagay na sinasabi mo?

Nakaranas ka na rin ba na ang tinitignan sa iyo ay kung kaninong pamilya ka galing? May “say” ba sa lipunan ang pamilya mo o galing ka lang sa mahirap na pamilya?

In short, nakaranas ka bang ma-question dahil isa kang ordinaryong tao lang, walang mercedez benz, walang mansion, walang posisyon sa lipunan?

Katulad ni Jesus, na piniling maging “SERVANT”, ang pinakamababang estado sa buhay, sino nga ba ang maniniwala sa kanyang mga kababayan sa kanyang tinuturo?

Ang isa sa mga hamon na hinaharap ng maraming lingkod ng Diyos ay ang pangungutya ng mga ilang kababayan na, “HINDI NGA NIYA MAPAGSABIHAN ANG KANYANG SARILING PAMILYA, TAPOS MANGANGARAL SIYA SA AMIN. BAGUHIN MUNA NIYA ANG KANYANG SARILING PAMILYA PARA MANIWALA KAMI.”  Ilan lamang ito na pangungutya ng mga tao.

Bagama’t namangha si Jesus dahil ayaw maniwala sa Kanya ng kanyang kababayan. Hindi ito naging hadlang para hindi siya magtuloy sa kanyang misyon. Naging daan pa nga ito para libutin niya ang ibang lugar at magpadala ng kanyang mga alagad para mangaral ng “repentance.”

Marami sa atin ang nadidismaya pag tayo ay hindi pinapaniwalaan ng ating mga kamag-anak o pamilya. Pero nais ng ating Panginoon na ‘wag tayong madismaya kundi lalo pa tayong magsipag sa pangangaral ng “repentance” sa ibang lugar.

Prayer:

Maraming salamat Panginoong Ama sa inyong Salita. Salamat sa pagremind sa amin na magpatuloy pa rin sa pangangaral ng Inyong Salita kahit na hindi kami pinapaniwalaan ng aming mga kababayan o kamag-anak. Maraming tao sa aming paligid at sa ibang lugar na puwede kaming mangaral. Bigyan niyo po kami ng courage and boldness para ipangaral ang “repentance” sa mga tao. Ito po ang aming dalangin sa Pangalan lamang ni Jesus at sa gabay ng Banal na Espiritu. Amen.

Mga Komento

Mga sikat na post sa blog na ito

BALANCING RELIGIOUS FREEDOM AND ANTI-DISCRIMATION ORDINANCE OF BAGUIO CITY

CHURCH PLANTING DIARY: JILGM AGUIOAS @18

CHOSEN TO BE SET APART